Ang Kaibigan ni Helen

  Ang Kaibigan ni Helen


Si Helen ay may kaibigan. Ang pangalan ng kanyang kaibigan ay Lyka. Si Lyka ay may ugaling di maganda. Siya ay madamot.

          Isang araw, nakalimutan ni Lyka ang baon niya sa bahay. Nang recess time, wala siyang pagkain. Gutom na gutom siya at nakatingin sa pagkain ng kanyang mga kaklase. Lumapit sa kanya si Helen. “Heto, kunin mo ang isang donat na baon ko,” ang sabi ni Helen. Nahihiyang kinuha ni Lyka ang donat. “Naku, salamat, Helen,” sabi ni Lyka. “Mula ngayon, hindi na ako magdadamot. Mahirap pala kapag may bagay na wala ka.” Ngumiti si Helen at sinabi, “Walang anuman, Lyka.” Mula noon, nagin palabigay si Lyka.

Sagutin ang mga tanong.

1.   Sino ang may kaibigan?

_________________________________________________________________

2.   Ano ang pangalan ng kaibigan ni Helen?

_________________________________________________________________

3.   Ano ang ugali ni Lykan a di maganda?

_________________________________________________________________

4.   Anong nangyari isang araw?

_________________________________________________________________

5.   Bakit nagbago ang ugaling madamot ni Lyka?

____________________________________________________________________________________________________________________________________

6.   Anong aral ang natutunan mo sa kuwento?

___________________________________________________________

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top