Ang Panghalip ay galing sa salitang, “sa halip”. Ito ay nangangahulugang pamalit o panghalili sa pangngalan. Maaaring ito ay tao, bagay, hayop, lugar, o isang pangyayari o insidente.
May iba’t-ibang uri ang panghalip.
1. Panghalip na panao – ito ay pamalit sa ngalan ng tao.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, sila, tayo, kayo
2. Panghalip na pamatlig – ito ay ginagamit upang ituro ang isang bagay. Maaaring malapit o malayo.
Halimbawa: ito, iyan, iyon, dito, diyan, doon, ganito, ganiyan, ganoon
3. Panghalip na panaklaw – ito ay salitang pamalit sa kaisahan, kalahatan, dami, o bilang ng ppangngalan.
Halimbawa: sinuman, kaninuman, balana, lahat, isa
4. Panghalip na pananong- salitang ginagamit sa pagtatanong.
Halimbawa: sino, sinu-sino, ano, anu-ano, magkano, ilan
Note: Kapag tumutukoy sa dalawa o maraming tao, bagay, lugar o pangyayari, ang panghalip pananong ay inuulit.
Halimbawa: sino-sino, anu-ano, ilan-ilan
1, Ilan-ilan ang mga kamatis sa bawat tumpok?
2. Sinu-sino ang mga bisita mo noong kaarawan mo?
Gawin ang mga sumusunod:
Seatwork I
Isulat ang PN kung panghalip na panao , PK kung panghalip na panaklaw, PG kung pananong, at PT kung pamatlig.
Siya_______ ano_______ dito_______ doon _____ madla_______ balana_______ sila_______ akin ______ tayo________ magkano________ saan_______ilan_____
lahat ______ inyo_______ ikaw ________ pulos _____ sinuman ______ kanila_______ wala _______ kanya_____ saanman _____ kayo________ naroon________ kailan_____ sino_______ narito________ gaano________
Seatwork 2
Punan ng panghalip na pamatlig.
1. Malayo ______________ kaya kailangan natin ang maraming baon.
2. ___________ ka na lang sa tabi ko maupo.
3. ___________ sa bahay na iyan nakatira si lola.
4. ____________ ang aking kamay na napaso.
5. Nagagandahan ako sa suot mong blusang ___________________.
6. _________________ sa langit ang bilog na buwan.
7. Ang tawag sa hawak kong ______________ ay labanos.
8. Hawakan mo _________________ at ilagay mo sa tabi mo.
9. Dumaan kami ________________ sa bahay nila noong kami ay namasyal.
10. Saan natin dadalhin _______________ dala natin?
Seatwork 3
Isulat ang heto, hayan, o hayun sa patlang.
1. _________ ang aking mga gamit sa tabi ko.
2. __________na ang mga bisita sa kabila.
3. _________ ang bundok sa malayo.
4. _________ na ang kaibigan kong parating.
5. _________na sila sa tabi ko.
6. _________ang lapis mo sa bag mo.
7. _________ang mga bituin sa langit na kumikislap.
8. ____________ang bago kong damit na suot ko ngayon.
Seatwork 4
Isulat ang ganito, ganyan, o ganoon sa patlang.
1. _________ gumawa ng pandesal, ituturo ko sa iyo.
2. _________ katulad ng suot mong yan ang nabili kong damit.
3. __________ kadaling gumawa ng bangkang papel, halika at gagawin natin.
4. ___________ sa aming bayan ang ginagawa tuwing pista.
5. ____________ ang nangyari sa kanila gaya ng ikinuwento ni nanay noon.
Seatwork 5
Gumamit ng angkop na panghalip na pananong sa bawat patlang.
1. _______________ ang ating pambansang bayani?
2. _______________ang paborito mong laro?
3. _______________ang mga kamatis sa bawat tumpok?
4. _______________lapis na ito?
5. _______________ang mga dapat nating tandaan kapag bumabasa nang tahimik?
6. _______________ang artistang nakumbida natin para sa ating palabas?
7. _______________ang mga panauhing pandangal?
8. _______________angmga paborito mong kulay?
9. _______________ang iyong mga bisita sa iyong kaarawan?
10. _______________ang mga pagkaing handa ng nanay?